Alden Richards versatile actor

    429
    0
    SHARE

    Nakatakdang pumunta sa Vietnam Fim Festival sina Nora Aunor at ang GMA Artist na si Alden Richards para sa kanilang short film na Kinabukasan. Imbitado ang pelikula sa naturang festival. Aminado si Alden na nabitin siya kay Ate Guy nang gawin nila ang pelikula. First time niya na nakatrabaho ang superstar.

    “Nu’ng first day ng shooting po, inagahan ko talaga sa set. Siyempre, nakakahiya eh Superstar’yun, hindi ko puwedeng paghintayin. Pagdating niya, may kilabot. May kilabot ‘yung unang kita kay Ate Guy,” bulalas ng Kapuso Primetime Prince.

    Ginagampanan ni Alden ang role na anak ni Rosanna Roces sa pelikula na may affair kay Nora. Kumusta ‘yung unang eksena nila ni Ate Guy?

    “Okey naman po. So far, wala naman pong naging problema sa acting ko kasi sabi naman ni Ate Guy, relax ka lang, mabait po, e! Kaya po niyang gawing komportable ‘yung kaeksena niya ng isang pitik base sa mga sinasabi niya,” deklara niya.

    Proud si Alden dahil mas intimate daw ‘yung mga eksena nila ni Ate Guy. Most of the time, silang dalawa lang ni Nora.

    Pero wish din niya na makagawa sila ng full length film. Pangarap din niyang makasama sina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano.

    Hindi naman maitago ni Alden ang kasiyahan na napansin ng PMPC Star Awards for TV ang acting niya dahil nominado siya sa Best Single Performance By An Actor sa “The Dondon Lanuza Story” ng “Magpakailanman”.

    Ginampanan niya ang isang OFW na ginahasa ng aAabo. “Yes, oh my Gosh! Wow! First acting nomination ko po kasi before ‘yung mga unang awards ko, mga breakthrough artist, best new. So, eto for acting. Sana… Sana talaga kasi single performance, eto yung mga isahan lang na bagsakang episode,” reaksyon niya.

    Halimbawang siya ang manalo? “Wow! Susmaryosep, baka umiyak ako. Kasi siyempre, sa dinami-dami po ng projects ko siyempre hindi mawawala ‘yung.. kinu-consider ko po na bawat trabaho na ma-nominate sa mga award giving body. At least ngayon, napuna,” sey pa niya.

    Katatapos lang ng bayaniserye ni Alden na “Ilustrado”. Walang duda sa versatility ng Primetime Prince na napapanood din sa variety show na “Sunday All Stars”. Kilala na rin si Alden bilang host ng “Bet ng Bayan” kasama si Regine Velasquez-Alcasid.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here