Joyce Bernal direktor na may kalidad

    323
    0
    SHARE

    Ang ‘Prinsesa’ episode ng My Big Bossing ay pinamahalaan ni Direk Joyce Bernal na napaka-cool at mabilis kung magdirek.

    Ang advantage kay Direk Joyce, nagsimula siya sa pagiging editor kaya alam na niya ang mga eksena na kailangan niyang kunan.

    Sa bakuran ng Viva Films nagsimula si Direk Joyce bilang editor in 1994. Four years later ay binigyan siya ng break ni Boss Vic del Rosario ng Viva na magdirek sa pelikulang “I’m Sorry My Love” na pinagtambalan nina Judy Ann Santos at Onemig Bondoc in 1998.

    Ito’y sinundan ng “Dahil May Isang Ikaw” also under Viva Films na pinagtambalan naman nina Aga Muhlach at Regine Velasquez in 1999. Also in the same year, kinuha naman siya ng Star Cinema sa kanyang directorial job sa nasabing film outfit sa pamamagitan ng “Hey, Babe” na pinagtambalan noon ng magka-loveteam na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na sinundan in 2000 sa tambalan nina Robin Padilla at Jolina Magdangal, ang “Tunay Na Tunay: Gets Mo? Gets Ko!”

    Pawang hit movies ang dinirek ni Direk Joyce kaya hindi ito nawawalan ng movie assignment between Viva Films and Star Cinema at naidirek niya halos ang lahat ng malalaking stars mula kay Sharon Cuneta, Robin Padilla, Kris Aquino, Aga Muhlach, Lorna Tolentino, Alice Dixson, Christopher de Leon, Regine Velaquez, Rufa Mae Quinto, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Richard Gomez, Aga Muhlach, Anne Curtis, Vhong Navarro, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Luis Manzano, Carla Abellana, Tom Rodriguez at iba pa.

    Taong 2002 nang bigyan ng break sa telebisyon si Direk Joyce sa pamamagitan ng “ Ang Iibigin ay Ikaw” ng GMA na tinampukan nina Christopher de Leon, Lani Mercado, Richard Gomez at Alice Dixson na nagkaroon ng sequel in 2013 at ito ang “Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin” also under GMA.

    Naging sobrang in-demand ang 46-year-old at single mom na si Direk Joyce sa pagdidirek ng pelikula at sa telebisyon na may mga time na siya na mismo ang tumatanggi. Si Direk Joyce dapat ang director ng “My Little Bossings” noong isang taon pero kailangan niyang tumanggi dahil siya rin ang director ng award-winning movie ni Robin Padilla na “10,000 Hours” na isa rin sa mga kalahok ng 2013 Metro Manila Film Festival.

    Dahil hindi natuloy si Direk Joyce sa pagdidirek ng “My Little Bossings,” siya’y pinalitan ng baguhang direktor na si Marlon Rivera na siya ring director ngayon ng isa sa tatlong episode ng “My Big Bossing,” ang “Taktak” kung saan din tampok sina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon at Marian Rivera.

    Ang “Prinsesa” episode ng “My Big Bossing” ay pangatlong MMFF movie bale ni Direk Joyce. Nauna rito ang “Segunda Mano” in 2011 na pinagtambalan nina Kris Aquino at Dingdong Dantes at noong isang taon (2013), ang “10,000 Hours” ni Robin Padilla na siyang humakot ng majority of the awards at kasama na rito ang “Best Director” for Direk Joyce.

    Ngayong nagtapos na sa ere ang “My Destiny” na pinagbidahan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos at Lorna Tolentino, may bagong sisimulang TV project si Direk Joyce pero magmi-meeting pa umano sila ng GMA.

    Still on Direk Joyce, walang kagatul-gatol na sinabi nitong kung bata-bata lamang daw siya ay gusto niyang magkaroon ng anak kay Paolo Ballesteros (ng “Eat Bulaga”).

    “Ang ganda kaya ng anak niya,” natatawang pahayag ni Direk Joyce.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here