PAGKATAPOS ng kontrobersyal na proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera, ang engagement naman nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ang pinagpipistahan sa social media.
Sunud-sunod ang nakita naming larawan kahapon sa social media sites kung saan ay makikitang nakaluhod si Sen. Chiz kay Heart at tila nagsusuot ng singsing habang parang umiiyak naman ang aktres.
Isa sa naka-witness ng proposal ni Chiz ay ang kaibigang aktres ni Heart na si Lovi Poe kaya tsinek namin ang Instagram account nito. Ang daming post ni Lovi ng mga picture and video nina Heart and Chiz habang nagaganap ang proposal.
Unang post ni Lovi ay video ng fireworks display na may caption na: “Now they’re going to wake up, roll over to one side, and kiss the love of their life. d’ congratulations to my dear best friend and to the amazing man who will love her for the rest of her life!! Love is a celebration!”
Ang sumunod na post ng aktres ay picture nina Heart at Chiz na naghahalikan sa lips. May caption naman ito na: “I’m so happy for you guys! Chiz and Heart. You finally found someone who gives you that feeling that people write novels about. Someday when the time comes all I have to do is look at you both and always remember to choose happiness more than anything in this world.”
Third post ni Lovi ay close-up ng engagement ring na bagama’t hindi ipinakita kung sino ang may suot, obviously ay si Heart ito. May caption naman ito na: “Together is a wonderful place to be. Congratulations.”
Sumunod ay larawan naman nila nina Heart at Alessandra de Rossi ang ipinost ni Lovi kung saan ay makikita silang tatlo na masayang magkakaakbay. Nag-post din si Lovi ng short clip ng proposal ni Chiz kay Heart at may caption naman na: “They finally know the kind of love that is written in novels.”
Hindi nakadetalye kung saan naganap ang proposal pero sinasabing sa Sorsogon daw ito dahil doon nagbabakasyon ang grupo. Samantala, kung maraming natutuwa para sa showbiz couple, meron din namang nang-iintriga na kesyo na-insecure lang daw si Heart kay Marian kaya ginaya niya ito.
Mayroon namang ikinukumpara ang proposal ni Dingdong sa proposal ni Chiz. Anyway, ang tanong ng lahat ngayon ay kelan ang kasal?