INAMIN NI Carla Abellana sa presscon ng bago niyang pelikula sa Regal Films na Somebody to Love na posibleng mangyari na si Tom Rodriguez na ang maging “somebody to love” sa kanyang buhay.
For one, medyo nagpaparamdam na sa kanya ang aktor. Hindi na mabilang ang mga tula at kanta na ginawa para sa kanya ni Tom at aware si Carla na papunta na nga sa panliligaw ang binata.
“Not an ordinary person would just write poems and songs for anybody, ’di ba? That person has to be inspired.
Siyempre, may something, ganyan. It has to be special,” say ni Carla. Inamin na rin naman ni Tom sa press recently na special sa kanya si Carla at ang aktres ang inspirasyon niya.
“Well, I’m extremely glad and grateful na at least, he feels that way towards me. Hindi naman lahat ng tao napi-please natin, eh, so the fact na mayroon kang isang tao na napapasaya ng ganyan, mayroong isang tao na napi-feel special because of you, grateful ka.”
Wala pa raw sinasabi si Tom na diretsahan sa kanya tungkol sa nararamdaman nito. “Through his poetry pa lang and music, siyempre. Hindi mo na kailangang sabihin ’yun, that’s his way of expressing.”
Aminado siyang kinikilig din siya dahil sa effort ng aktor na igawa pa siya ng mga tula at kanta. Wala na raw gumagawa ng ganyan ngayon. Ready ba siya ’pag dumating ang time na magtapat na si Tom?
“Well, of course, I’ll be ready for the day. But then, what else will I be ready for? Time, number one. Wala akong maibibigay sa kanya. Outside work, wala akong maibibigay sa kanya at all, so, kawawa lang din siya. Ang time lang that we share together is sa trabaho. At least, meron kaming ganu’n.
“I’d be ready, my goodness, if… you know, whatever he professes or says, okay. Pero other than that, wala akong maibibigay sa kanya.” Open siya sa possibility na maging boyfriend niya si Tom, pero ’yan, eh, only time can tell na lang daw at ipagdadasal din niya kay Lord.
Anyway, sa Somebody to Love, iba naman ang kapareha ni Carla at hindi na si Tom. Sina Jason Abalos at Matteo Guidicelli, na parehong fi rst time niyang nakatrabaho.