Yasmien Kurdi dasal ang regalo kay Jennylyn Mercado

    358
    0
    SHARE

    PINUPURI ni Yasmien Kurdi ang bagong lipat sa GMA na si Martin del Rosario na kasama niya sa Rhodora X.

    “Sobrang galing katrabaho niya. Sa lines, memorize na niya lahat and then… saka sa lahat, guwapo! Ha-ha-ha! Ang ganda ng mukha!” saad ni Yasmien sa pocket presscon ng GMA series.

    Madalas nga raw niyang kausap si Martin pero hindi pa raw siya inalok ng insurance. Salamin daw kasi ang inaalok sa kanya ng dating Kapamilya actor. “At least, masipag siya! Yayaman siya!” bulalas ng aktres.

    Teka, kumusta naman ang working attitude ni Mark Anthony Fernandez na madalas niyang kaeksena? Hindi ba madalas ma-late sa taping? “Ay hindi! Never siyang na-late! Kung meron mang co-worker ko na nali-late, wala naman akong care! Bahala sila sa buhay nila.

    Matutulog na lang ako. Kung ma-pack up ang taping dahil sa kanila, eh, di pack up! Bayad naman ako! Ha! Ha! Ha!” rason ni Yasmien. Teka, totoo ba ’yung tsismis na insecure siya kay Jennylyn Mercado na bidang-bida ang treatment sa series?

    “Hindi naman po. Maganda naman ’yung story itself at even ’yung character, napakaganda. I love my character!” katwiran niya. Eh, ’yung insecure din daw siya dahil mas mataas ang talent fee ni Jen kesa sa kanya?

    “Okey lang po ’yon. Umalis naman ako sa showbiz at bumalik ako. Hindi naman isyu sa akin ’yang ganyang talent fee. Huwag nang gawan ng issue. Masaya ako na kaibigan ko siya!” paliwanag ni Yasmien.

    Ano ang regalo niya kay Jen? “Prayers! Kasabay niya kasi birthday ng asawa ko!” tugon ng aktres.

    Ano ang regalo niya sa asawa? “Prayers lang din! Ha! Ha! Ha! may regalo siyang flowers sa akin, ako wala! Ha! Ha! Ha!” saad niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here