HINDI nabanggit ni Cristine Reyes sa presscon/launching/contract signing niya bilang new endorser ng Ever Bilena Advance ang tungkol sa pagbebenta niya sa kanyang red Mustang GTcar. Negotiable raw ang P2,550,000.00 asking price niya sa kanyang sasakyan.
Anyway, dahil si Cristine ang endorser ng EB Advance, kapag natuloy sa PBA ang Blackwater na team ng basketball ng owner ng Ever Bilena Cosmetics, sina Cristine at Sunshine Cruz daw ang magiging muse.
Also, sa presscon, itinanggi ni Cristine na naging BF niya ang Gilas basketball player na si Kevin Alas. Kaya may tsikang tumigil na ito sa panliligaw sa aktres.