Lovers in Europe

    465
    0
    SHARE

    DAHIL SA magkasamang pagbiyahe nila sa Europe, iniisip ng marami na totoong mag-on na nga sina Rocco Nacino at Lovi Poe.

    Isa pa, bagamat kababalik lang ng dalawa mula sa kanilang bakasyon ay tila nakaplano na ang mga susunod pa nilang trips abroad.

    Dahil open naman sina Rocco at Lovi sa kanilang pagsasama sa malalayong lugar, kulang na lang ang direktang pag-amin ng dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Pero pahayag ng Kapuso actor, “We’re not saying anything.

    “Itong matter na ‘to, we want to keep it private. “Well, kitang-kita naman na we’re proud of what’s happening  with us.

    “So, ano… the thing is we just wanna keep it to ourselves lang. “Siyempre lahat, alam na ng mga tao! “But then, this is one thing na we can treasure.”

    Kapansin-pansin ang ibang aura ni Rocco matapos makabalik sa Pilipinas mula sa sampung araw na bakasyon nila ni Lovi sa Europe. Refreshed ang hitsura niya. “Ang lamig dun, grabe!” sabi ng aktor nang makausap namin.

    “Araw-araw nagdya-jogging kami dun. Ang hirap magpawis doon, e. “Saktong birthday ng daddy ko nang dumating ako.

    “’Tapos I left for Boracay para sa wedding ng kaibigan ko. “Si Lovi naman, balik-trabaho agad-agad para sa taping ng bagong soap niyang Ang Dalawang Mrs. Real. Masaya naman daw para sa kanilang dalawa ang mga pamilya nila lalo na raw ang mga magulang ni Rocco.

    “Happy sila na pagbalik ko, parang… very fresh daw ako!” tawa ulit ng Starstruck alumnus. “Yeah, parang very fresh daw kami. Very happy, very positive. “Maganda raw yung aura namin pagbalik namin. “Kasi ano… we got to refresh naman kasi talaga.

    “We got to recharge physically at lalo na spiritually. “Ang maganda, the whole experience was an adventure talaga.”

    Kuwento pa niya, “Naiwan kami ng train! “Naglalakad lang kami around Rome, bumabasa lang kami sa map. “Free-flowing lang, we got to talk a lot. “Uusually, dito [sa Pilipinas], si Lovi ang nagsasalita, ako yung nakikinig. “Doon, may time na ako ang nagsasalita at nag-o-open up.

    “‘Yon, we got to bond a lot. “Lalo na nung island-hopping kami, habang nasa boat kami, nago- open up kami at nagkukuwentuhan. “Kahit may jet lag pa siya, pero kinaya naman niya.” “So, we got to bond a lot.

    “Masaya, nakapunta kami sa apat na bansa, so magandang adventure. “At ngayon, pagbalik namin, parang may motto na rin kami ‘work hard to travel.’ “At least, gutom kami na magtrabaho ngayon. “And nalaman namin na, through travelling, nakakarecharge ng spirit at ng sense of ano… yung work ethics.

    “At saka yung pagiging enthusiastic sa trabaho. “It makes you richer inside na, in your mind, you come back na refreshed ang sarili mo.” Sabi nga, one good thing deserves another. At, heto nga, may plano na ang dalawa para sa susunod nilang biyahe.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here