Jennylyn Mercado malapit sa disgrasya

    510
    0
    SHARE

    ACCIDENT-PRONE talaga si Jen-nylyn Mercado. Pagkatapos ma-sting ng dikya at ma-pollute ng Manila Bay, ngayon naman ay nasalubsob siya sa talampakan habang nagti-taping ng drama series niyang Rhodora X sa Bataan kamakailan.

    Nakayapak lang kasi si Jen dahil ’yun ang kailangan sa scene kaya hayun, pagtapak niya ay nasalubsob siya at pumasok sa kanyang talampakan.

    Pero kahit super-sakit ng kanyang paa, being a real pro as she is, ay ipinagpatuloy niya ang eksena’t hindi ito ininda.

    Nang magpa-check-up siya sa hospital, ayon sa doktor ay pumasok na raw sa loob ang stick na nakasalubsob sa kanya at matutunaw na lang daw ito.

    That’s why, hindi siya nakadalo ng Sunday All Stars last Sunday pero today ay mapapanood na siya sa nasabing variety show kung saan ay siya ang opening number.

    Kahit sobrang dusa ni Jen sa taping dahil ang init naman ng araw ang kalaban niya since ang location nila ay sa isla at sa dagat sa Bataan, walang reklamo si Jen at inspirasyon niya ang mga positive feedback na natatanggap niya.

    Medyo tan nga siya ngayon dahil lagi siyang nabibilad sa araw pero okay lang sa kanya dahil happy siya sa magandang result ng serye. Thankful din si Jen sa blessings na patuloy na dumarating sa buhay niya. Last Friday ay nagkaroon siya ng contract-signing para sa kanyang bagong endorsement na Hip Culture.

    Excited din si Jen sa kanyang tinatapos na album under GMA Records. This is her comeback album sa naturang label after 10 years. Sa May 18 ay ilu-launch na sa Sunday All Stars ang kanyang single-carrier at bilang bahagi na rin ng kanyang birthday celebration, mapapanood siya sa kanyang very special production number.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here