Alice Dixson di papatol sa lalaking walang pera

    342
    0
    SHARE

    GAME at masayang kausap si Alice. Kinukulit na siya kung kailan niya ilalantad ang lalaking nagpapa-inspire sa kanya ngayon.

    Winner sa kanya ang matangkad na lalaki, may face value, at marunong mag-carry ng conversation.

    Gusto rin niya halos kaedad niya para ‘di siya masabihang bagets killer. Pero sabi ng press, karamihan ng kaedad niya ay may mga pamilya na rin o kaya’y bading kaya walang asawa.

    Binanggit naman ni Alice na hindi niya priority ngayon ang magkaroon ng asawa. Kaya naman daw niyang alagaan ang sarili niya at maging independent. Basta ‘pag dumating daw ‘yung right guy para sa kanya, eh, ‘di go.

    Paano kung matangkad, guwapo pero walang datung? “Bakit wala siyang datung?” gulat na tanong ni Alice.

    Baka nakilala lang niya sa bar? “Paano siya magbabayad ng bill namin, ako pa? Waley,” tugon niya. Pero malaki… ang future niya?

    “Patingin nga muna,” tumatawa niyang pahayag. Ang alin?

    “’Yung future niya,” casual na sagot ni Alice sabay tawanan. Wala raw siyang nakikita sa showbiz na napupusuan ngayon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here