Toni-Piolo perfect partnership

    408
    0
    SHARE

    PRINOTESTA ni Toni Gonzaga ang ending ng character niya sa matagumpay na movie nila ni Piolo Pascual na Starting Over Again. Pero nahimok din siya ng director na si Olive Lamasan na tanggapin ang movie at hindi naman siya nagkamali sa desisyong makipagpareha kay Piolo.

    “Nu’ng ginagawa kasi ang pelikula, napanood ko ang rushes. Nabigatan talaga ako. It’s very light but towards the end, it’s a heavy movie. That’s why siguro they opted for that kind of ending,” rason ni Toni sa thanksgiving presscon niya sa press.

    Lumabas nga sa movie ang boyfriend na si Paul Soriano. Feeling ng press na nakapanood, may chemistry sila ng dyowa. “Wa (wala)! Wa!” diin ng Multi-Media Star. Eh, naiyak nga raw ang daddy niya nang mapanood ang love scene niya.

    “Sabi niya, dalaga na ang anak niya! Ha! Ha! Ha! Nagdalaga sa pelikula. Nabinyagan sa pelikula! Ha! Ha! Ha!” tugon niya. Hindi nga niya akala na makakatrabaho na niya agad si Direk Olive Lamasan. Pati nga si Piolo, akala niya ay after niyang makapanganak at saka sila magtatambal.

    “After 13, nagkatuluyan naman ang project. In God’s time talaga. Naniniwala ako roon,” rason niya. Dahil sa hataw na kita sa movie ng SOA, makiki-pagmiting si Toni sa Star Cinema sa next project niya. May suggestion ngang magkaroon ng part 2 ang movie. Pero maging si Toni ay lito rin kung papayag siyang magkaroon ng sequel ang movie.

    Sa next project niya, gusto niyang makapareha si Vic Sotto. Nagkaroon na ng plano noon na magsama sila pero hindi siya pinayagan ng Star Cinema. “Gusto kong makasama si Bossing para makapag-guest ako sa Eat Bulaga! Sabi tuloy ni Tita Malou (Santos), ‘Sira ulo ka!’ Ha! Ha! Ha!

    “’Di pa kaya ako nakakabalik doon! 10 years na. Hindi ko na alam ang hitsura ng studio. “Nakita ko nga si Ryzza Mae. Niyakap ko nga. Pagyakap ko sa kanya, parang nakita ko na ang Eat Bulaga! ’Yun. Gusto ko siyang makatrabaho.

    “Pero siyempre, depende kung papayagan o kung gusto rin ni Bossing!” deklara ni Toni. As of now, ayon sa ASAP kahapon, kumita na ng P360M ang movie. Pero hindi pa kasama roon ang kinita sa US showing nito na US$650,000.00 kaya nawindang ang local papers doon to think na 52 theaters lang ipinalabas ang movie.

    Saad pa ni Toni sa pagsasama nila ni Piolo, “I found  a perfect partnership in him!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here