Korina, Mar walang pakialaman sa isa’t isa

    456
    0
    SHARE

    KASALUKUYANG ini-enjoy ni Korina Sanchez ang kanyang pag-aaral na matatandaang naging dahilan para isakripisyo niya ang kanyang morning radio program sa DZMM. She’s currently fi nishing her masteral degree at the Ateneo de Manila University at dead-serious siya talagang matapos ito.

    Kahit nga raw habang naga-anchor siya sa TV Patrol ay nag-aaral pa rin siya via online with her professors and classmates. “Sinasabi ko naman sa professor ko na kapag hindi ako nakapag-reply, baka oncam ako and naiintindihan naman nila, lenient naman sila on that sense,” kuwento ni Ate Koring nang aksidenteng makatsikahan namin sandali the other day.

    Marami-rami rin kaming napagkuwentuhan at isa nga sa naitanong namin ay ang political plans ng asawa niyang si DILG Secretary Mar Roxas on 2016 elections.

    “Sa totoo lang, hindi talaga namin napag-uusapan, kasi ang nakita kong gustong relasyon ni Mar sa akin ay talagang asawa lang. Kumbaga, parang hindi ako ka-sparring pagdating sa pulitika.

    “In the earlier years of our relationship, I thought he wanted that. Eh kasi, feeling ko, equipped naman ako to talk about those topics.

    “And then, I notice, he never brings it up. And the few times I tried to bring it up, nakikita ko na ayaw niya.

    Kumbaga, lalaking-lalaki siya na few words talaga siya. “Lalo na kung sensitive (issue) at may meeting sa bahay, sinu-shoo ako nina Frank Drilon, (at sasabihin), ‘ay, o, lumabas ka muna dito Korina, may pag-uusapan na kami.’ Talagang hindi talaga sila nagsisimula, parang unwanted ako doon.

    “So, taga-serve lang ako ng pagkain. Hindi ako puwedeng makitsismis,” kuwento ni Korina. Aware naman siya na ilang siyempre sa kanya ang mga co-politician ni Mar simply because broadcaster siya.

    “Kasi siguro kung ako ay asawa lang at wala naman ako sa news, eh, puwede naman ako sigurong nandiyan parati.

    “Ako rin kasi, sa tagal ko na ring nag-i-interview ng politiko, ayaw ko rin na ’yung misis, parating nandiyan, naiinis ako,” natatawa niyang sabi.

    So, ang sistema raw talaga nilang mag-asawa, halos hindi nila pinag-uusapan ang tungkol sa politics at minsan, kapag may isyung pumutok about him, natatanong lang niya ang mister at pag sinabi raw nito na “wala ’yun”, hindi na siya magtatanong.

    Ang gustung-gusto raw ni Mar at enjoy na enjoy daw ito is when she plays with him. “Gustung-gusto niya ang mga kilitian,” natatawa niyang sabi. “Kunyari, gigisingin ko siya, lalagyan ko siya ng yelo sa noo, magigising siya, type na type niya ’yung mga practical jokes na ganyan.

    “O kaya, tulog siya tapos lalagyan ko siya ng earbuds sa ilong. Type na type niya ’yan, I’m telling you,” masayang kuwento ni Koring.

    Kahit nga raw nitong mga nakaraang kaganapan sa Yolanda typhoon kung saan ay naging kontrobersyal si Mar ay hindi raw humingi man lang ng tulong sa kanya ang asawa.

    “Hindi siya humihingi ng saklolo sa akin, hindi siya dumadaing sa akin. Ang galing niyang magcompartmentalize. I think it’s because sobra na ang stress sa trabaho ko, sobra na ang stress sa trabaho, so gusto niya, pagdating sa bahay, masaya lang tayo. Kulitan kami. Ngayon, kakumpetensiya ko na ’yung mga aso namin sa pangungulit.”

    Alam daw niyang nagde-destress ang asawa kapag nasa bahay ito at naiintindihan niya.

    “Ngayon, about his plans (on elections), I don’t ask him because parang gusto ko ring iwasan ’yang usapang ’yan. Parang I also don’t want to encourage it,” sabi pa niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here