Ejay Falcon lover ni Sunshine Cruz?

    436
    0
    SHARE

    AYON KAY Ejay Falcon, technically, fi rst full-length movie niya ang indie film na Saka-Saka, official entry ng Metro Manila Film Festival 2013 sa New Wave category.

    Kaya bigay-todo siya at fi rst time na pumayag makipag-love scene. Leading lady ni Ejay si Kathleen Hermosa at talagang steamy raw ang kanilang love scenes. Biro ni Ejay, “Noong una, takot na takot ako kasi sabi ni Direk, papakita raw ako ng puwet.”

    Pero say nya, siguro, binibiro lang siya ni Direk Toto Natividad. Seriously, say ng aktor, kabadung-kabado siya talaga habang kinukunan ang love scene. “Isa lang ang love scene pero sobra. Sa kubo nangyari,” kuwento niya.

    Kinakantyawan si Ejay kung ano ang naramdaman niya at say niya, professional naman sila bilang naroroon ang boyfriend ni Kathleen nang kinukunan ang scene. So, medyo na-conscious siya dahil nandoon ang bf ng leading lady niya?

    “Medyo. At saka, first time ko, eh,” he said. Sa mga teleserye raw, hindi niya narasanan ang ganito katinding love
    scenes. Nagkaroon daw sila ng mild kissing scene ni Yam Concepcion sa Dugong Buhay pero dahil mas nauna niyang gawin ang Saka Saka, ito ang kinu-consider niyang first.

    Speaking of Dugong Buhay, ikinagulat ni Ejay ang tsismis tungkol sa kanila ng co-star niya sa serye at gumanap na ina niya na si Sunshine Cruz.

    “Ha? Naku, ’di ko alam ’yan. Parang nanay ko siya. Ang tawag sa akin nu’n, anak, eh.” Naaliw rin kami sa reaksyon ng young actor nang matanong siya kung nagdi-date ba sila. As in para siyang gulat na gulat.

    “Naku, hindi. Hindi talaga. Hindi puwede, hindi puwede. Talagang parang nanay po ang tingin ko sa kanya.

    Ewan ko, hanggang ngayon, dala-dala ko ang pagiging nanay niya sa akin,” he said. Sila na ba talaga ni Yam?

    “Kami naman ni Yam, okay lang. Steady lang. Ayos lang. Wala pa, wala pa. Kung ano ’yung sinabi niya sa GGV (Gandang Gabi Vice), ’yun na ’yun.” Lumalabas daw sila, pero hindi pa sila dahil alam niyang marami pang pangarap ang sexy actress bilang bago pa ito sa showbiz.

    “Ayokong maguluhan siya. Napag-usapan naman namin ’yun. Gusto niyang mag-focus muna sa showbiz, so, ibibigay ko sa kanya ’yun. Nu’ng nagsisimula naman ako, ganu’n din naman ako,” aniya.

    Hard action fi lm ang Saka-Saka at ang ibig sabihin daw ng word na ito ay political assassin. Ito raw ang ginagamit na termino sa bandang Norte. Kasama rin ni Ejay bilang bida ng pelikula si Joseph Marco.

    Sa movie ay magkapatid ang role nila at pareho silang assasin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here