Jennylyn Mercado di na makikipagbalikan kay Mark Herras

    451
    0
    SHARE

    SA VTR interview ni Jennylyn Mercado sa Startalk aired last Saturday, natanong siya kung may pagbabalikan kayang magaganap sa kanila ni Mark Herras ngayong magkakasama sila sa isang serye sa GMA-7, ang Rhodora X?

    “Para sa akin, kung tapos na, tapos na,” say ni Jen. “Hindi na kailangan pang balikan. Siguro, sa amin ni Mark, ’yung relasyon namin ni Mark, special. “Masasabi ko na special kasi marami rin kaming pinagdaanan, marami rin kaming pinagsamahan kaya masasabi ko na isa siya talaga sa espesyal para sa akin.”

    Say naman ni Mark, masaya siya sa pagbabalik-tambalan nila ni Jen at excited na nga raw siya sa proyekto.

    Nang tanungin naman si Jen kung handa ba siya ulit tumanggap ng suitors, ayon sa aktres ay matatagalan pa raw. “Sa ngayon, matatagalan talaga bago ako mag-entertain ulit o mainvolve ulit sa isang tao. Kaya ayoko muna.

    Trabaho muna,” she said.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here