Baguhang starlet ayaw nang mag-bold

    392
    0
    SHARE

    KUNG SI Dawn Jimenez ang tatanungin, hangga’t maaari ay ayaw na raw niyang magpakita ng katawan tulad ng mga ginawa

    niya sa pelikulang On The Job na ipinalabas two months ago. Feeling daw niya kasi ay hindi pabor ang kanyang ama sa mga ginawa niyang maseselang eksena sa OTJ. Sa mommy raw niya ay walang problema at naintindihan daw siya nito pero ang daddy niya, mukhang hindi raw okay although hindi naman daw ito nagsasalita.

    Up to now nga raw ay hindi pa napapanood ng ama ang pelikula dahil ayaw nitong makita ang kanyang lovemaking scenes with Gerald.

    Hindi naman daw niya sinasabing hindi na siya totally magpapa-sexy at kung kailangan naman daw talaga sa eksena, bakit daw hindi.

    “Sa akin lang, wag muna siguro ulit. Sana, matagal-tagal pa bago ko ulit gawin,” say ni Dawn.

    Matatandaan ding ang mga naturang eksena sa OTJ ang naging dahilan ng break-up nila ni Albie Casino pero no regrets naman daw siya sa bagay na ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here