Pokwang naglalaway kay Jestoni Alarcon

    451
    0
    SHARE

    NABUKING sa presscon ng pelikulang Call Center Girl na matagal na palang crush ni Pokwang si Jestoni Alarcon. Ang term nga na ginamit ng co-star nilang si John Lapus ay “naglalaway” daw ang komedyana sa guwapong aktor na dati ring heartthrob ng showbiz industry.

    Ibinuking din ni John na hindi pa raw artista si Pokwang ay talagang crush na crush na nito si Jestoni to the point na bwisit na bwisit daw ito kay Rachel Lobangco na noo’y girlfriend ng aktor.

    “Hindi niya matanggap noong araw, noong bata pa siya na bakit daw si Rachel Lobangco ang dyowa ni Jestoni,” pagbubulgar ni John. Inamin naman ni Pokwang na talagang naglalaway siya kay Jestoni noon pa.

    “Sino ba naman ang hindi maglalaway do’n (kay Jestoni)? Totoo naman ’yun, bata pa ako, crush ko na talaga si Jestoni. Kaya nang malaman ko na siya ang magiging tatay ni Jessy (Mendiola) sa pelikula, oh my God, sabi ko kay Direk (Don Cuaresma), ‘Direk, okay lang ako, hindi ako choosy, okay lang sa akin may kissing scenes.’

    Pinipilit ko talagang magkaroon ng kissing scene kahit wala,” say ni Pokwang. Pagbubuking naman ni kasamahang Ogie Diaz na kasama rin sa movie, may cut-off daw si Pokwang ng 2 a.m. pero nang malamang kukunan ang kissing scene with Jestoni, pumayag daw ito hanggang 5 a.m. Ha-ha-ha!

    Anyway, nagbabalik si Pokwang sa pagpapatawa via Call Center Girl kung saan ay kasama niya rin aside from Jessy, John, Ogie and Jestoni sina Enchong Dee, Ejay Falcon, Dianne Medina, Chokoleit, K Brosas, Alex Castro and Aaron Villafl or.

    Bukod sa pamilyang tema nito, tinatalakay din ng pelikula ang tungkol sa mga nagtatrabaho sa call center na kung tutuusin ay maihahalintulad daw sa ating mga OFW. Ang maganda pa raw sa mga kumpanyang nagpapatakbo ng call center, suportado nito ang LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgender) community dahil napakarami raw talagang gays and lesbians na empleyado rito.

    Ipalalabas na ang Call Center Girl sa lahat ng mga sinehan nationwide simula ngayong Nobyembre 27.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here