AYON KAY Jake Cuenca, hindi raw niya masisisi ang mga past girlfriends niya kung magalit man sa kanya after they broke up dahil karamihan nga raw ng kanyang breakups ay siya ang nawawalan ng pagmamahal.
Say ni Jake sa press-con ng pelikulang When Love Is Gone kung saan ay isa siya sa bida, maski raw siya ay hindi niya masagot ang mga tanong kung bakit nangyayari ’yun.
“Minsan, paggising mo, wala na (ang love), and ako, tinatanggap ko lahat ng galit (ng mga ex-gf niya), tinatanggap ko ang lahat ng masamang pananalita. Never akong nagsalita ng masasama sa kanila coz maybe, I deserve it, you know.
“Pero one thing is for sure, may natutunan ako no’n. At mayroon din naman akong pinagdaanan na parang bumalik din sa akin. Parang kinarma rin ako do’n,” say ni Jake.
Kung ano’ng karma ang dumapo sa kanya ay hindi na idinetalye pa ni Jake. Isa si Melissa Ricks sa past girlfriends ni Jake na up to now ay may galit pa sa kanya at hanggang ngayon nga ay ni ayaw siyang makatrabaho. Alam naman ng aktor ’yun at noon pa’y sinasabi naman niyang nirerespeto niya ang mga nararamdaman ng ex-gf.
Anyway, say ni Jake, right now, ayaw na raw niya ang salitang “when love is gone.”
He said, “gusto ko sa susunod na magka-girlfriend ako, siya na ’yun. It will never be gone, she’ll be the one.”
Samantala, sa pelikulang When Love Is Gone na showing na sa Nov. 27, ginagampanan ni Jake ang role na isang gay na dating ginampanan ni Eddie Garcia sa original fi lm na Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi.
Directed by Andoy Ranay, kasama rin sa movie sina Gabby Concepcion, Cristine Reyes, Alice Dixson and Andi Eigenmann.