Next generation actors

    447
    0
    SHARE

    NAGPAPARAMIHAN NG fans ngayon sina Daniel Padilla at Enrique Gil at napatunayan namin ito nang manood kami ng free concert ng My Only Radio (MOR) 101.9 For Life na MOR Live: Kwento ng Musikang Pilipino sa Quezon City Memorial Circle in celebration of the 60th anniversary of ABS-CBN.

    Sa totoo lang, pati kami ay nalito kung sino ba talaga ang mas maraming fans sa kanila dahil parehong hindi magkamayaw ang tilian sa kanila nang lumabas na sila sa stage separately. Ito talaga ang senyales na sina Daniel and Enrique ang mga susunod na henerasyon ng pambatong leading man sa ABS-CBN, following the footsteps of John Lloyd Cruz, Coco Martin, Piolo P., Jericho Rosales, Gerald Anderson at iba pang naunang heartthrobs ng Kapamilya.

    At mukhang sina Daniel and Enrique rin ang magiging mahigpit na magkaribal in the near future base na rin sa lakas ng popularidad na tinatamasa nila ngayon. Anyway, bukod sa dalawang Kapamilya heartthrobs, nagbigaypugay din sa free concert ng MOR ang world-class OPM singers na sina Jed Madela, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Darryl Shy, Bryan Termulo, Jovit Baldivino, Cathy Go, Bugoy Drilon, Juris, Marcelito Pomoy, Liezel Garcia, Kaye Malana at ang kanyang bandang Six Part Invention, Loonie, Ron Henley, Wynn Adrada, Marion Aunor, Kimpoy Feliciano, at Pinoy rock band icon na Rivermaya.

    Itinampok din sa concert ang special production number ng MOR DJs. Ang MOR Live: Kwento ng Musikang Pilipino concert ay bahagi ng two-day grand celebration ng ika-60 taon ng ABS-CBN na Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here