NAHAHASA NA sa pag-iyak Si Julie Anne San Jose sa masasabing drama role niya sa Kahit Nasaan Ka Man ng GMA. Sikreto niya ang pagri-relate sa pangyayari sa buhay niya kaya naman nakakahugot siya ng emosyon upang makaiyak.
Hindi nga lang ang ka-loveteam na si Elmo Magalona ang kapareha niya gaya nang unang napabalita.
Pinalitan ang rapper-actor ni Kristoffer Martin habang si Elmo ay si Janine Gutierrez naman ang makakaromansa sa bagong project sa network.
“Of course I am happy for him. Kasi may bago na rin siyang project. May bago na rin siyang ginagawa. Kaya I’m really happy for him,” rason niya. Dinenay raw ni Elmo na wala siyang tinatanggihang project.
“I don’t know about these things. May be it’s management decision,” sagot niya. Eh, kumusta namang kapareha si Kristoffer? Hindi ba siya tsinatsansingan?
“Grabe naman! Hindi naman. Ha! Ha! Ha! Hindi naman po niya gagawin sa akin ’yon. Mataas po ang respeto niya sa babae,” tugon ni Julie Anne. Ano naman ang nadiskubre niya kay Kristoffer habang ginagawa ang series? “Ahh, seryoso po siya. Pero madaldal! Ha! Ha! Ha! Saka masayang kasama,” pambibisto niya.
Kahit umaakting na, hindi pa rin niya iiwan ang pagkanta. Rason niya, “I’m a singer who can act! Kahit na aktres na ako, singing talaga ang forte ko. Kumbaga, marami pa akong dapat matutunan sa pag-arte!”
Ang ikinatutuwa lang ni Julie Anne sa pakikipagpareha kay Kristoffer, mas marami ang nagkakagusto kesa umaayaw.