Rich Asuncion deadma sa ex-lover

    509
    0
    SHARE

    DEADMA lang talaga si Rich Asuncion kapag nag-kukuwento ang ex-bf nitong si Ervic Vijandre tungkol sa present love nitong beauty queen.

    Naka-move on na raw siya sa hiwalayan nila ni Ervic na nangyari pa bago mag-election 2013.

    Totoong nasaktan si Rich Asuncion sa hiwalayan nila ni Ervic. Pero, mas gusto ni Rich na pagtuunan nang pansin ang acting career at pagaaral sa UP. Fourth year college na si Rich ngayon at gusto na niyang makatapos sa kursong BS Tourism.

    Ngayo’y okay lang sa kanya na makasama si Ervic sa isang soap. Isang manliligaw ni Rich, na isang teacher sa soap na Binoy Henyo, ang role ngayon ni Ervic.

    Samantala, may ipalalabas na movie si Rich sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition simula sa September 11 sa lahat ng SM Cinemas sa buong bansa, ang Lauriana. Co-star siya sa movie na pinagbibidahan nina Bangs Garcia at Allen Dizon, na idinirek ni Mel Chionglo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here