Piolo Pascual, Marian Rivera extra sa movie ni Vilma Santos

    551
    0
    SHARE

    Sobrang laki ng pasasalamat ni Vilma Santos sa mga malalaking artista na pumayag mag-guest sa pelikula niyang Ekstra tulad nina Piolo Pascual and Marian Rivera.

    “Hindi mabubuo ang Ekstra kung wala tayong big stars. ’Yun ang ginawa talaga nina Direk (Jeffrey Jeturian) at ni Atty. (Joji Alonzo, the producer) na kailangang mag-imbita ng masasabi nating mga sikat na artista para mas maging meaningful ang pagka-extra ko.

    “Kasi, ’pag hindi, hindi lilitaw ang pagka-extra ko, ’pag hindi namin naisama ang mga big stars. And sa lahat ng mga nakasama ko, maraming-maraming salamat.

    “Pero a very, very special thanks, unang-una, sa naging anak ko sa Dekada 70 na si PIolo Pascual na according to Atty, hindi sila nahirapan kay Mr. M (Johnny Manahan of Star Magic na nagma-manage kay Papa P) nang sabihin lang na baka puwedeng mag-guest sa indie film ni Ate Vi.”

    Nang time na mag-shoot daw si Piolo ay galing pa itong Bataan at nagbiyahe all the way to Calatagan, Batangas para sa shooting ng Ekstra.

    At kay Marian naman daw na first time niyang nakasama sa pelikulang ito. Very flattered ang Star For All Seasons na ang young actress pa raw ang nag-volunteer na makasama sa movie and take note, hindi raw ito humingi ng kahit ano in return.

    “That’s why, nang magkita kami sa set, ako talaga ang pumunta personally sa kwarto niya just to say thank you.

    Alam n’yo ba na hanggang ngayon ay textmate ko siya? Ka-text ko lang siya kagabi. So, may nabuong friendship ang closeness with Marian beyond showbiz.”

    Bukod kina Piolo at Marian, pinasalamatan din ni Ate Vi ang iba pang big stars na nag-guest sa Ekstra tulad nina Cherie Gil, Cherrie Pie Picache, Eula Valdez, Pilar Pilapil and Richard Yap.

    “Pero special request ko na talaga si Sir Chief. Kasi fan ako ng Be Careful With My Heart and nai-in-love ako sa karakter nila ni Jodi (Santamaria),” pag-amin ng Star For All Seasons.

    Showing na sa Aug. 14 ang Ekstra sa mga sinehan nationwide.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here