Sarah Geronimo line producer ng sariling album

    660
    0
    SHARE

    Nasa music stores na ang latest album ni Sarah Geronimo na pinamagatang Expressions.

    Mismong si Sarah ang line producer for Viva Records kaya naman tutok na tutok siya habang ginagawa ang album.

    First time ni Sarah na maging line producer ng kanyang album at Expressions ang napili nilang title dahil pawang mga kantang nagpapakita ng nararamdaman niya sa kasalukuyan ang lahat ng kantang nakapaloob dito.

    Mula sa umpisa ng production ay kasama si Sarah. Nagbibigay siya ng opinions and suggestions na pinakikinggan ng Viva Records.

    Maging sa pictorial at sa mga susuutin niyang damit ay may say ang pop superstar. Namili siya ng mga simpleng mga damit lang sa pictorial na babagay sa Expressions.

    Karamihan sa mga kantang kasama ay original at may ilang sinulat si Sarah.

    The tracks of the album are: Again, Pati ang Pangarap Ko,  Maaari Ba, Eyes on Fire, Sweetest Mistake, Mama, You’ve Got A Friend (ft. Delfin Geronimo), Make Me Yours, It Takes A Man and A Woman (Bonus Track).

    Matagal-tagal ding walang album si Sarah, almost eight months ago na nang ilabas ang kanyang Pure OMP Classics na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang benta sa mga record store.

    Bukod sa album na ito, sure na rin ang kanyang major concert for this year. Gaganapin ito sa November 15. Ang venue, pinag-uusapan pa.

    Excited na siyempre si Sarah sa nasabing concert dahil major pasabog din ang gagawin niya.

    Pramis ng Viva Concert, producer ng concert, na mas bongga ito sa 24/SG kung saan kinabiliban na ang effects noon.

    Kasalukuyang nasa Hawaii si Sarah para mag-celebrate ng kanyang 25th birthday. Pero hindi sina Mommy Divine at Daddy Delfin ang kasama niya.

    Sino kaya?

    Anyway, isa pang ini-enjoy ni Sarah sa kasalukuyan ay ang kanyang pagiging coach sa The Voice.

    Sa paggawa ng pelikula, before the end of the year ay malamang  na may pelikula siyang ipalala-bas. Pero inaayos pa kung sino ang makakasama niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here