Spongecola vocalist ibinabando na ni Karylle

    358
    0
    SHARE

    Looks like going strong talaga ang relationship ni Karylle and Spongecola’s vocalist Yael Yuzon.

    Nanood kami ng 10th anniversary concert ng nasabing banda na ginanap sa Music Museum last Friday at siyempre, naroon ang aktres/singer para suportahan ang boyfriend.

    Not only that, hindi lang si Karylle ang dumating kungdi maging ang future mother-in-law ni Yael na si Zsa Zsa Padilla.

    Hmm, looks like boto naman ang Divine Diva sa boyfriend ng anak.

    Bagama’t wala pa tayong naririnig na opisyal na pag-amin mula sa dalawa na sila na nga, everybody knows in the business na talaga namang in a relationship sila for quite sometime now.

    Anyway, panalo ang concert at kahit hindi kami mahilig sa mga rock song, napabilib kami ni Yael. In fairness to him, ang lakas pala ng karisma niya kapag nagpi-perform na on stage.

    And he has this funny side, may sense of humor siya at nakakatuwa ang mga punch line niya. May pagka-komedyante pala ang singer at kitang-kita sa bawat pagbitiw niya ng mga linya na matalino siya. No wonder, na-in-love sa kanya si Karylle.

    Pinakagusto naming part ng concert ay ang number nina Yael and Mr. Pure Energy, Gary Valenciano.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here