May pangalan nang nasusulat ang Italian girlfriend ni James Yap na lagi niyang pinu-post sa Instagram na kasama niya. Michela pala ang pangalan nito and mukhang proud na proud ang basketbolista sa GF, otherwise, hindi niya ito ipapaalam sa publiko.
Sa interviews din niya recently ay unti-unti na ring nagsasalita si James about her, although may limitasyon pa rin ang kanyang mga isini-share na impormasyon.
Ayon kay James in his recent interview, alam naman daw ni Michela ang lahat tungkol sa nakaraan niya.
Siyempre, kasama na marahil dito ang dati niyang marriage kay Kris Aquino at ang pagkakaroon nila ng isang anak — si Baby James.
Last Sunday ay muling nag-upload si James ng picture nila ni Michela sa Instagram kung saan ay yakap siya ng girl while they were having tea.
Well, good for him. Sana nga’y maging maligaya na siya para hindi na niya binubulabog si Kris.