MARAMI ang natuwa sa pinost ni Leo Dominguez at ni Heart Evangelista sa kanilang respective Instagram accounts na picture nina Grace Poe at Lovi Poe.
Last Saturday nagkita ang magkapatid sa Tsukiji Japanese Restaurant sa Makati City.
Kasama ni Grace ang husband niyang si Neil Llamanzares at mga anak na sina Brian at anak na babae. Kasama naman ni Lovi si Heart at ang BF nitong si Sen. Chiz Escudero at pare-pareho silang nakangiti.
Hopefully, next time na makitang magkasama sina Grace at Lovi ay sa kampanya ng una dahil nangako ang huli na tutulong sa kandidatura ng kapatid.