Janice De belen ayaw pahalik kay Ariel Rivera

    547
    0
    SHARE

    Dahil mag-asawa ang role ng maghipag/magbayaw na sina Janice de Belen at Ariel Rivera sa Ina, Kapatid, Anak and very convincing, in fairness since pareho silang magaling na artista, madalas ngayong maitanong sa kanila kung how far can they go sa kanilang role.

    Aabot ba ito sa kissing scene kung sakaling hingin sa istorya?

    “Hindi na aabot sa ganu’n,” nakangiting sabi ni Janice. “Huwag naman.”

    Her co-star, Cherry Pie Picache butted in and said, “O sige, ako na lang.”

    Pero seriously, ayon kay Janice, as it is ay napakalaking challenge na nga sa kanila ni Ariel ang gumanap na mag-asawa since bayaw nga niya ito at kailangan daw siyempreng maging maingat sa mga eksena.

    At kung dadagdagan pa raw ’yun ng kissing scene ay parang hindi na raw yata nila kakayanin.

    Actually, ang mga eksena nina Janice at Ariel bilang mag-asawa ang isa sa pinapanood ng mga tagasubaybay sa Ina, Kapatid, Anak dahil intresado ang mga tao na makita kung paano nila iaarte ang mga eksena.

    Samantala, matapos ang pasabog ng serye two weeks ago kung saan ay nabunyag na nga ang katotohanang anak talaga nina Julio (Ariel) at Beatrice (Janice) si Celyn (Kim Chiu), may bago na namang rebelasyon na mapapanood at ito ay ang katotohanang kambal pala sina Celyn at Margaux (Maja Salvador) kaya abangan ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here