Cristine Reyes bagong lover ni Derek Ramsay?

    387
    0
    SHARE

    TAHASANG sinabi ni Derek sa program launch ng  bagong mga programa ng TV5 para sa 2013 sa press na walang katotohanan na may relasyon sila ni Cristine Reyes. Aksidente lang silang nakunan na magkasama  sa isang resort sa Batangas dahil nagbabakasyon din doon ang grupo ni Cristine.

    Si Derek naman ay kasama ang kanyang father na kanyang ipinapasyal para sa vacation.

    Ani  Derek," Kung nagkikita man kami minsan ay barkadahan lang. Kaibigan ko Rayver (Cruz, dating boyfriend ni Cristine). At hindi rin ako ang dahilan kung bakit sila nag-break. Hindi ako ang third party sa hiwalayan nila."

    Samantala, masaya si Derek dahil successful ang action fantaserye niyang Kidlat sa TV5. Mas mataas ang ratings nito kaysa na mga naunang soap ng TV5.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here