Kim Chiu, Xian Lim mas malalim na ang relasyon

    402
    0
    SHARE

    “Friends” pa rin ang sagot ni Xian Lim sa tanong kung ano na ba ang estado ng relasyon nila ni Kim Chiu.

    Pero aniya, mas malalim daw ang friendship nila ngayong ginagawa nila ang Ina, Kapatid, Anak kaysa noong una silang nagkasama sa My Binondo Girl.

    Sa My Binondo Girl unang umingay ang loveteam nina Kim at Xian. Dito sila nagsimulang ma-link hanggang sa later on ay inamin ng young actor na may pagtingin siya sa leading lady.

    Kahit tapos na ang My Binondo Girl ay hindi natapos ang kanilang communication at mas lalo pa silang naging close. Dito na nga nagsimulang matsismis ang pagtitiyaga ni Xian sa panliligaw, pagpapadala ng flowers sa dalaga at page-effort na maging close sa pamilya ni Kim.

    Ngayon ay may bago na naman silang teleserye, ang Ina, Kapatid, Anak kaya naman sa cast pictorial recently ay natanong si Xian kung may announcement na ba siyang maibibigay sa publiko tungkol sa status nila ni Kim.
    “Wala pa rin po, eh,” sey niya.

    Naghihintay pa rin siya na sagutin ni Kim?

    “Ah, ayoko namang sabihin na naghihintay. ’Di ba, mas magandang sabihin na we’re enjoying every moment na kung anuman ang dumating. Enjoy the show, enjoy our work, ’di ba, kasi pag nage-enjoy, ’yun na ’yun, eh.”

    Pwede ba niyang sabihin na more than friends sila ni Kim ngayon pero walang commitment?

    “Hindi, wala po akong sinasabing ganu’n. Ang sinasabi ko is, mas malalim na friendship. Same thing as mas malalim ang friendship namin ni Enchong (Dee), mas malalim ang friendship namin ni Maja (Salvador) because mas nakikilala namin ang isa’t  isa.”

    Pero hindi naman niya pinapadalhan ng flowers ang iba niyang friends tulad ng ginagawa niya kay Kim, ’di ba?

    “Hindi ko naman mabibigyan ng flowers sina Maja or Enchong,” natatawa niyang sabi.

    “Because I admire Kim. Siyempre, this girl is special. If you thing someone is special, you give them flowers.

    For me, ganu’n. I’m the type of guy (na mahilig magbigay ng flowers),” dagdag ni Xian.

    Napag-usapan nga rin ang kani-kanilang partidos at kapansin-pansin na na-win na niya ang pamilya ni Kim dahil balitang botong-boto sa kanya ang mga kapatid ng young actress.

    “Ang mom ko, na-meet na rin ni Kim and even ’yung mga people close to me rin.

    Kasi ako naman, only child lang naman ako, eh. Siyempre, nababaitan si Mom kay Kim, mabait namang tao talaga si Kim, eh.”

    Gusto ba ng mom niya na makatuluyan niya si Kim?

    “Si Mom naman kasi, para sa kanya, siyempre as a mother, kahit ano, whatever makes her son happy.”

    Samantala, malapit nang mapanood ang Ina, Kapatid, Anak sa primetime slot ng ABS-CBN. Kasama dito nina Xian at Kim sina Enchong, Maja at ang mga veteran stars na sina Cherry Pie Picache, Pilar Pilapil, Janice de Belen, Ronaldo Valdez, Ariel Rivera at Eddie Gutierrez mula sa direksyon ni Don Cuaresma at Jojo Saguin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here