Kahit ano yata’ng gawin ng TV5, di sila umangat-angat. Kasi nga, parang wala namang silbi kahit sabihin pang maraming big stars ang lumipat na sa kanila.
Lahat ng mga programs nila ay nasibak na halos zero ang rating. Palagay ko, mali ang istratehiya ng TV5. Na young mga think tanks nila ay walang silbi dahil puro flop ang naiiisp nilang concepts.
Come to think of it, hanggang ngayon, minority pa rin ang TV5 kahit number 3 na ang ranking nila among the existing networks. Angat lang sila nang kaunti sa ibang minor networks na pansinin dili ng publiko.
To think na malaki ang lugi nila and if they don’t improve in the game, bukas makalawa, magko-close shop na sila.
Isa pa talaga, ang totoong namumukadkad sa TV5 ay si Willie Revillame. Sa tinagal-tagal niya, ayan at number one pa rin ang show niya.
Kung kami ang TV5, why don’t they get the advice of Willie’s production staff, kasi nga, ayan at namamayagpag sila. Kesa naman inaasahan ang mga execs nilang gastos lang ang iniisip, mas mabuti nang si Willie ang paniwalaan nila.
Ayan nga yung dating mga pinagsawaan na ng
GMA 7 na kinuha nila bilang execs, ibayong lugi lang ang binibigay sa kanila. Walang iniisip ang mga execs na ito kundi vested interest nila.
Di ba, Wilma Galvante?