Angelica P inilantad na ang tunay na estado ng relasyon kay John Lloyd Cruz

    372
    0
    SHARE

    Pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa mga pictures na in-upload ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account kung saan, sa isang kuha ay magkasama sila ni John Lloyd Cruz.

    As we all know, nali-link ngayon sina Angelica at John Lloyd na kabe-break lang pareho sa kani-kanilang past relationship (Derek Ramsay and Shaina Magdayao).

    Noong unang lumabas ang balita tungkol sa pagkakamabutihan nila na mabilis nilang itinanggi, pero dahil na rin sa sunud-sunod na mga sightings sa kanilang magkasama, hindi tumigil ang tsismis.

    Hanggang sa nitong huli ay wala na tayong narinig na denial nila pero wala rin namang kumpirmasyon.

    At heto nga ang latest ngayon, si Angelica na mismo ang naglabas ng picture nila ni Loydie na magkasama.

    Sa larawan ay makikita na magkatabi lang sila at naka-smile sa camera pero ang nakakaintriga ay ang mga photo captions ni Angelica na pagpapahiwatig na may maganda na ngang namamagitan sa kanila.

    She wrote “Welcome, happiness. Joy, pursued. Welcome everyone. Especially those who are smiling out of warmth”  at sa isang caption naman, ang nakalagay ay “I love Sundays! Moment talaga siya!” habang makikita ang mga shots niya na isang bata, tuta, barbecue at dalawang taong nasa swimming pool.

    Siyempre, ang papasok sa isip mo ay magkasama sila that Sunday na parang nagpi-picnic.

    Oh well, ano kaya ang masasabi rito nina Shaina and Derek?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here