Bea Binene big star na

    214
    0
    SHARE

    PINAGKAGULUHAN nang husto si Bea Binene sa first mall show ng tween star sa Robinson’s Novaliches para sa album niyang Hey! It’s Me, Bea.

    Nagsiksikan sa tatlong floor ng mall ang mga fans na nakinig kay Bea na nag-perform sa activity center.

    Lalong nagkagulo ang fans nang ma-introduce ni Kuya Germs (German Moreno) ang ka-love team ni Bea na si Jake Vargas. Sobrang patok sa fans ang dalawa. Kaya naman may inihahandang  bagong soap ang GMA7 para sa dalawa bilang bidang love team.  Malamang daw na daytime drama na ito.

    Kinanta nila ang isang cut sa album ni Bea,ang Mahal Kita, Wala Iba! Kinilig ang   fans nang pagkatapos ng kanta, hinalikan ni Jake si Bea sa noo.

    Pagkatapos ng unang mall show ni Bea, mahigit tatlong daang album agad ang nabenta. Pumila pa ang mga fans ni Bea para magpa-autograph at magpa-picture sa tween star.

    Siguro, mahal talaga ng mga tao si Bea dahil may puso rin siya para sa masa.

    Noong kasagsa gan ng baha sa Marikina, pumunta si Bea at kasama ang bumubuo ng Kapuso Foundation para mamigay ng relief goods.

    May dala rin siyang sariling packages para ipamigay sa mga nasalanta ng baha.

    Samantala, madaling natapos ni Bea ang kanyang first album  na released by Galaxy Records at distributed by Polyeast Records. Tatlong  araw lang siya nagrecording ng limang awitin na pawang revival songs.

    Nakabuti kay Bea ang pagkakaroon ng voice lessons bago sumabak sa recording.

    May voice coach pa siya, ang pinagpipitagang member ng The Company, si Annie Quintos.

    May grandlaunch  ng album at fans day si Bea sa SM Skydome sa North EDSA sa September 9.

    Bago rito, may mga mall show pa si Bea simula sa  August 18 sa Robinsons Sta.  Rosa, August 19 sa Starmills, Robinsons Angeles naman sa August 25, at  Robinsons Imus sa Sept. 2.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here