Lovi Poe napapagod na sa pag-ibig

    372
    0
    SHARE

    Nilinaw ni Lovi Poe na walang anumang namamagitan sa kanila ni Jake Cuenca kundi friendship.

    Matagal nang nali-link ang dalawa na nagsimula habang ginagawa nila ang My Neighbor’s Wife at maging date ng aktor sa Star Magic Ball that year.  Nagkataon pang magkapitbahay sila sa condo kaya lalong umingay ang tsismis na may relasyon nga ang dalawa.

    Pero say ni Lovi sa presscon ng latest horror film niya under Regal Films na Guni-Guni, pahinga muna siya sa pag-ibig at mas gusto niyang mahalin muna ang sarili.

    Aniya ay tapos na ang mga kabaliwan niya.

    “I did a lot of things for love. Hindi naman sa nabaliw, but then, I just gave a lot. Kahit hindi maganda ’yung nababalik sa akin. ’Yun lang naman ’yun.”

    Pero hindi naman daw niya pinagsisisihan lahat ng nagawa niya for love.

    “Marami akong natutunan do’n and for you to actually learn from something, you get really hurt, I guess.”

    Pero puwede ulit siyang mabaliw sa pag-ibig kung makikita niya talaga ang taong mamahalin ulit?

    “Maybe. Because we always say naman na we won’t fall in love this way but everytime, it’s exactly the same.”

    Dahil nga magkapitbahay sila sa condo, parating natsitsismis na pumupunta siya sa unit ni Jake at hindi naman daw siya naaapektuhan sa intrigang ito dahil neighbors talaga sila.

    Nangyayari raw na nagkakabisitahan sila sa condo ng isa’t isa pero grupo raw sila parati ’pag nangyayari ito.

    Kasama niya ’yung friends nila at mga pinsan niya. Pero bihira naman daw mangyari ito since pareho silang busy. Mas madalas, nagkikita lang sila sa lobby accidentally.

    Ibinuking ng producer na si Roselle Monteverde na marami raw nanliligaw ngayon kay Lovi at pumupunta ang mga ito sa set pero hindi na niya ni-reveal kung sinu-sino.

    Nang tanungin namin si Lovi, say niya, “Basta happy naman ako dahil may mga sweet na tao na nagpapadala ng food, mga ganyan.”

    Sa ngayon, nag-e-enjoy lang daw siya being single at happy naman daw siya.

    Samantala, Lovi is being considered now as the new “Horror Princess” dahil na rin sa sunud-sunod na horror films na ginawa niya.

    Una ay ang Shake, Rattle & Roll IX, White House,  Aswang at ito ngang Guni-Guni. May ginagawa rin siya ngayon with Dingdong Dantes, ang Aswang Tiktik.

    Dito sa Guni-Guni, kakaibang horror film daw ang mapapanood ng mga tao at ginagawa pa lang daw nila ito ay natatakot na sila mismo.

    In this movie, she plays a medical student na may sikreto sa pagkatao. May tema ng abortion ang pelikula mula sa direksyon ni Tara Illenberger.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here