Aljur Abrenica binalikan ang anak ni Robin Padilla

    389
    0
    SHARE

    Very vocal na si Aljur Abrenica tungkol sa lovelife niya ngayon. Nang nakausap namin si Aljur sa set ng ‘Together Forever,’ kung saan may guest appearance  siya ng tatlong linggo bilang bagong love interest ni  Julie Anne San Jose,  hindi itinanggi ng actor na nagkabalikan na nga sila ni Kylie Padilla.

    Kaya pala nang huli naming nakausap si Kylie ay nasabi ng dalaga ni Robin Padilla na nagkikita  pa rin sila ni Aljur.

    Nang tanungin namin kung ano ang status ng relasyon nila, nasabi ni  Kylie na tanungin na lang namin ang binata.

    Ayon kay Aljur, di  hadlang  ang magkaibang religion nila ni Kylie. Di nila ito pinag-uusapan. Ang mahalaga raw ay nagmamahalan sila.

    Pero kahit inamin ni Aljur na nagdi-date sila ni Kylie, as usual, may chaperone sila palagi. Samantala, ngayong buwan din magsisimula ang bagong soap ni Aljur sa GMA 7 kung saan partner niya si Kris Bernal.

    Di pa nila alam ang title, pero, malamang na ito ang local version ng Coffee Prince, isang Korean soap na naging no.1 sa GMA 7 noon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here