Kim, Gerald nagkabalikan

    450
    0
    SHARE

    Matapos ang breakup nila ni Gerald Anderson two years ago, wala pa ulit nagiging boyfriend si Kim Chiu.       

    Although maugong ang balitang sila na ni Xian Lim, wala pa ring opisyal na pag-amin mula sa kanila at kung totoo mang hindi pa nga sila, mukhang doon na rin papunta ang lahat.

    Sa interview ni Carmina Villarroel kay Kim na inere sa Showbiz Inside Report last Saturday, inamin ng young actress na ready na siya to fall in love again.

    "Two years na kasi, two years ago na ’yun and I think I’m ready,” say ni Kim.

    Natanong din siya kung may naging regrets ba siya sa nangyari sa kanila ni Gerald at ani Kim ay wala naman.

    “Kasi feeling ko, enough na ’yung naibigay ko. Wala akong regrets sa nangyari before because I’ve learned a lot. Sobra,” she said.

    Inamin din niya na nang time na ’yun, kay Gerald lang umikot ang mundo niya kaya naman nang maghiwalay sila ng landas (the loveteam and the relationship), hindi niya alam kung paano ito iha-handle.

    “Hindi ko talaga alam kung paano iha-handle ang ganu’ng problema. Sa public, and sa dami ng fans. Malaking bagay din ang Star Magic family and ’yung friends ko.”

    From 2006 to 2010, magka-loveteam sila ni Gerald at hindi raw siya talaga bumitaw. Kaya naman nang maghiwalay sila, aminado siyang kinabahan siya.

    “Kinabahan ako na, ‘naku, baka mawala ’yung mga fans, magmo-mall show ako nang mag-isa, baka wala nang tao.’ Pero hindi, nandoon pa rin naman sila."

    Ngayon, totally naka-move-on na raw siya, hindi lang sa breakup ng relasyon nila, kundi pati na rin sa loveteam dahil ipinakita naman ng fans ang suporta nila kahit iba na ang kanyang kapareha, lalung-lalo na nga sa loveteam nila ni Xian.

    After My Binondo Girl, muling mapapanood sina Kim at Xian sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak na malapit nang iere.

    Pero ang pinakaaabangang reunion ng Kimerald loveteam is just around the corner dahil may plano ang Star Cinema na pagsamahin sila sa isang pelikula next year bilang isa sa mga anniversary offering ng produksyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here