Sarah Geronimo walang karapatang umibig?

    543
    0
    SHARE

    SA Twitter, mainit na topic ang episode ng Sarah G Live! nu’ng Sunday night sa ABS-CBN at ang pigil na pag-iyak ni Sarah Geronimo sa harap ni Mommy Divine.

    Pa-blind item kung banatan nila ang nanay ni Sarah tungkol sa mga naging pahayag nito na ang hangad lang niya ay ang kaligayahan ng anak.

    ’Yung iba, pinangalanan talaga si Mommy Divine at inakusahang hinahadlangan ang kaligayahan ng anak, huh!

    May nag-comment pa nga na kung talagang mahal daw ni Mommy Divine si Sarah, hahayaan niya itong lumigaya.

    Ang nanay din ni Sarah ang nagbuking na hindi kaya ni Gerald Anderson ang patakarang gusto nila sa style ng panliligaw kay Sarah kaya ito umatras.

    Pero sinalo naman agad ni Sarah ang ina at sinabing hindi ang mommy niya ang dahilan kung bakit huminto sa panliligaw si Gerald.

    May mga tweet kaming nabasa na awang-awa kay Sarah. Twenty-four years old na nga naman ang dalaga, pero parang hindi pa rin ito puwedeng magdesisyon tungkol sa kanyang lovelife.

    “Eh, ano naman kung masaktan si Sarah at mabigo? Bahagi ’yon ng buhay. Do’n siya matututo at magiging mas matatag bilang tao.

    Ang dapat gawin ng parents niya ay suportahan ang kanyang mga desisyon at ipakitang kahit anong mangyari, nandiyan sila for her,” comment ng isang taga-showbiz.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here