Coco Martin icon ng mga nangangarap maging indie film actors

    580
    0
    SHARE

    Kahit sikat na sikat si Coco Martin at nasa mainstream na, kitang-kita sa aktor na nasa puso pa rin niya ang indie films kung saan siya nagsimula.

    Sa gala premiere ng Cinemalaya entry niyang Sta. Niña last Tuesday night sa CCP Main Theater, makikita ang kakaibang kasiyahan sa kanya habang kumakaway  sa fans, habang iniinterbyu ng press at kahit nang umakyat na ang buong cast sa stage bago nagsimula ang movie.

    Sa interview, kinumpirma ni Coco na iba pa rin ang pakiramdam niya kapag gumagawa ng indie film.

    Mas doble raw ang kasiyahan ngayong nakikita niyang marami na ang nakaka-appreciate ng ganitong klase ng pelikula base na rin sa rami ng tao na nagpupunta ngayon sa CCP para manood ng Cinemalaya entries.

    “Nakakatuwa na maraming nakaka-appreciate ngayon ng indie, ng mga ganitong proyekto na pinaghihirapan, masarap sa pakiramdam, kasi, sabi ko nga, parte ako sa mga nagsimula ng indie films,” pahayag ni Coco.

    Isa pang ikinatutuwa niya, mas marami na raw ngayong sikat na artista na gustong gumawa ng indie films samantalang dati ay sila-sila lang.

    “Noong nagsisimula kami, ang daming against sa amin, na kesyo magulo ang pelikulang ’yan, hindi maintindihan, madilim, low-budgeted, pero ngayon, ang sarap sa pakiramdam na alam mo na isa ka sa mga parte na nagsimula nito, tapos, ang dami nang gustong gumawa at tinatangkilik dahan-dahan ng mga Pilipino.

    “Malaking tulong para sa industriya natin na hindi lang sa mainstream, hindi lang sa TV, kundi pati sa indie, kumbaga, nakikita natin ang pag-angat at pagbabalik ulit ng buhay ng industriya ng pelikula natin,” he said.

    Ano ang masasabi niya na siya ang ginagawang idol ng mga artista natin ngayon na gusto na rin nilang gumawa ng indie o ’di kaya naman ay ’yung mga artistang nasa mundo ng indie at gustong mapunta sa mainstream?

    “Siyempre, masarap sa pakiramdam kapag nakakarinig ka ng ganyan. Sabi ko nga, sana maging magandang inspirasyon ako para sa kanila, na sabi ko nga, walang masamang mangarap.

    Kasi ako, pangarap ko lang naman lahat ’to, eh.”

    Sobrang flattered din si Coco na napakaraming fans niya ang dumating sa gala premiere at sa pagkaway lang niya, talagang mabibingi ka sa sigawan. 

    Samantalang dati, say nga niya, mangilan-ngilan lang ang fans na dumarating.

    Hindi na mabilang ni Coco kung pang-ilang indie film na niya ito, pero napakalaki raw ng kaibahan nito sa mga dati niyang ginawa, lalung-lalo na sa story at treatment.

    Ito’y mula sa direksyon ni Manny Palo at kasama rito ni Coco sina Alessandra de Rosi, Angel Aquino, Irma Adlawan at ang beteranang aktres na si Anita Linda, na talaga namang scene stealer.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here