Maraming mga bagong shows na bubuksan ngayon ang TV5 at kapansin-pansin na wala sa line-up ang isa pa nilang malaking contract star na walang iba kungdi ang Superstar Nora Aunor.
Pero nilinaw ni Sir Perci Intalan ng TV5 na may naka-line-up daw na isang napakalaking serye for Guy na supposedly ay sisimulan na ngayong Setyembre.
Kasalukuyang nasa U.S. ang Superstar para nga sa operasyon ng kanyang lalamunan at ipinagpaalam naman daw nito ang pag-alis. Ang usapan daw nila ay babalik ito ngayong Agosto pero iko-confirm pa raw niya sa manager na si Boy Palma kung kelan talaga ang balik nito.
Isang napakalaking soap daw ang naka-line-up sa Superstar na hindi pa niya pwedeng i-divulge.
“Malaki siya and it’s something that she hasn’t done yet. So, exciting. Madugo itong i-produce so, we have to start production itong last few months of the year, kung maihahabol namin ang airing for 2012, ihahabol namin, pero ang instruction ko, because of the scale of it, ayusin muna tapos magbangko ng episodes kasi baka maabutan kami, eh ayoko siyang tipirin na parang minadali,” sey ng TV5 boss.
Kung naoperahan na si Guy sa lalamunan ay hindi pa rin daw niya alam. Nitong nakaraang July 11 ang schedule ng operasyon ng Superstar pero hindi na raw siya nakahingi ng update since naging abala nga sila lahat sa pagyao ni Tito Dolphy.
Tungkol naman sa balitang-balitang pangungutang ni Guy sa kabila ng may natatanggap itong TF sa TV5, ayon sa TV5 bossing ay pinapa-verify pa niya ang tsismis na ito.
“Kasi si Boy Palma ang in-assign namin talaga from TV5 na siya ’yung nakatutok kay ate Guy. So, sabi ko sa kanya, Kuya Boy, can you verify lang if it’s true. I know that may mga rumors lagi.
“So, I want to just check how true it is, and secondly, if she really needs help, kung okay lang siya do’n.
Kasi, may sweldo naman siya actually. Ang worry ko and I told Kuya Boy, I just wanna make sure na naa-access niya ’yung account niya dito.
“Kasi, baka may pera siya pero hindi niya ma-access kaya siya nagkaproblema, whatever. So, ’yun ’yung huling usapan namin. Si Kuya Boy naman, if ever there’s a problem, he would text me, eh. Honestly, hindi pa kami nagkakausap. So silence means everything is okay,” paliwanag ni Sir. Perci.
Samantala, isang malaking pagbabago ang ginawa ng Kapatid network sa primetime programming nila ngayong Hulyo sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong shows tulad nga nitong Enchanted Garden, Third Eye at Artista Academy.
Ayon kay Sir Perci, they always try to do different shows from what others network do at ito na rin daw ang nakagisnan sa kanila ng kanilang viewers kaya patuloy nila itong ginagawa.
“We always offer alternative programming and we always try to offer something new,” he said.