Bagong obra ni Direk Joel Lamangan tumatalakay sa problema ng OFWs

    413
    0
    SHARE

    Pagkatapos ng matagumpay na Philippine Premiere sa Robinson’s Galeria Cinema 5, inaayos na ang special screenings ng Migrante local and abroad.

    Dinumog ang apat na screenings ng mga estudyante, NGO’s at mga taga-suporta sa OFW advocacy.

    Sa nasabing premiere ay tumulong ang Migrante International, na siya ring nag-aayos ng ilang distribution sa kanilang 22 chapters kasama na ang Australia, Amerika, Canada, New Zealand, Europe, Japan, Hongkong,  Middle East at marami pang iba.

    Excited nilang ipinahayag ang kanilang suporta sa pelikulang nagpapakita ng nakababahalang kalagayan ng ating mga kakabayang OFW.

    Layunin nilang magkaroon ng kampanya upang ibigay ang nararapat na proteksiyon sa sinasabing mga bagong bayani.

    Tuwang-tuwa rin ibinalita ng XITI Productions ang negosasyon na nagaganap para sa Italian distribution ng nasabing pelikula. Nagpakita raw ng interes ang Italian Distributor matapos mapanood ang trailer at marketing materials.

    Malaki ang posibilidad na i-dub siya sa Italian. May ilan na malaking local screenings na inihahanda like sa Davao, Cebu, Laguna, Bulacan, Pampanga at marami pang iba habang pinag-uusapan ang regular showing.

    Kapuri-puri ang mga bidang sina Jodi Sta. Maria (fugitive OFW) at Allen Dizon (eering husband).

    Sinuportahan sila nina Bangs Garcia (kabit na naging mail-order bride), Luis Alandy (TNT OFW in Israel na may crush kay Jodi), Chynna Ortaleza (selfless OFW helping fellow OFW), Jaime Pebanco (OFW afflicted with AIDS), Ryza Cenon (nurse sister of Jodi na ayaw mag-OFW), Rich Asuncion (sister of Jodi na nasira ang buhay), Raquel Villavicencio (rich OFW from Italy),Tony Mabesa (dating OFW or OCW na naghirap na), at Barbara Miguel (youngest daughter nina Allen at Jodi na may sakit na lupus).

    Tinalakay ng pelikula ang iba’t ibang mukha ng mga kababayan nating OFW, ang kanilang sakripisyo, ang negatibong epekto ng paghihiwalay ng pamilya at ang kawalan ng proteksiyon laban sa mga pang-aabuso ng kanilang malupit na amo. Maging ang “labor export policy” ay binigyang pansin.

    Naging pangunahing lokasyon ang Candaba, Pampanga na makikita ang sangkatutak na migratory birds na ginawang “metaphor” sa mga OFW na naghahanap ng tamang lugar sa mundo.

    Halos 70% ng pelikula ay nangyari sa Israel, kaya added attraction dito ang Holy Land na makikita ang Bethlehem, Dead Sea, Damascus Gate, Sea of Galilee, Jerusalem, Garden of Getsemane,Via Dolorosa at marami pang iba.

    Ang Migrante ay pang-lima sa team up nina Direk Joel Lamangan at scriptwriter Bonifacio Ilagan nauna rito ang award-winning mainstream film na The Flor Contemplacion story na pinagbidahan ng nag-iisang superstar Nora Aunor, co-writer ni Ilagan si Ricky Lee.

    Ang Migrante ay  “socio-political” advocacy film na maihahanay sa kanilang mga obra tulad ng Dukot, Sigwa, at Deadline: The Reign of Impunity.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here