Lovi Poe nakatakdang maging hadlang kina Marian Rivera at Dingdong Dantes?

    391
    0
    SHARE

    May malaking posibilidad na magtambal sa isang soap opera ng GMA 7 sina Dingdong Dantes at Lovi Poe. 

    Ang makaka-triangle nila ang magaling na aktor na si Neil Ryan Sese.

    May Muslim touch ang istorya ng soap na may tentative title na “Haram,” na ang ibig sabihin ay bawal at balitang ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

    Second team up na ito nina Lovi at Dingdong. Una silang nagtambal sa horror-fantasy na  Aswang na di pa ipinalalabas sa bansa, pero iniikot na sa iba’t ibang international film festival. Ang “Aswang” ay co-produced nina Dingdong at Dondon Monteverde.

    Naiibang istorya ang “Haram”  sa usual  soap ng GMA7. Tungkol ito sa buhay–buhay ng mga kapatid nating Muslim.  Pero, balitang mas mauuna pang gagawin ni direk Maryo J ang pelikulang unang tambalan nina Marian Rivera at Coco Martin sa Regal Films. 

    Tanong lang namin, matapos kaya agad ang shooting ng movie nina Marian at Coco? Alam namin ay busy pa si Coco sa “Walang Hanggan” ng ABS-CBN.  Eh, magsisimula na raw mag-taping si direk Maryo J sa bagong  soap next month.

    Samantala, dahil sa muling pagtatambal nina Dingdong at Lovi, di kaya matuluyan nang magselos ang girlfriend ng aktor na si Marian Rivera?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here