Maxene Magalona, Bubbles Paraiso nag-aagawan sa isang lalaki?

    723
    0
    SHARE

    Nasira ang friendship nina  Maxene Magalona at Bubbles Paraiso dahil sa isang lalaki. Ang ex-bf kasi ni Maxene Magalona na si Neil Arce ay balitang boyfriend na ngayon ni Bubbles.

    Gayunpaman, nagbabatian pa rin ang dalawa kahit hanggang hi and hello lang. Noon kasi ay super close ang dalawa.

    Katwiran ni Maxene, nakakahiya naman kung makipagbarkada pa siya kay Bubbles. Eh madalas kasing magkasama ngayon sina Bubbles at ang ex niyang si Neil.

    Sa kabila nito, itinanggi ni Maxene na bitter siya sa paghihiwalay nila ni Neil. Tumagal naman ang relasyon nila ng isa’t kalahating taon. Ayon sa kanya, sa bawat relasyon ay may kinapupulutang aral ang isang tao.

    At masaya si Maxene ngayon sa pagiging single. Hindi siya nagmamadaling maghanap ng bagong boyfriend.

    Gusto niyang mag-focus muna sa kanyang career. Gusto niyang matupad ang mga pangarap niya sa buhay kabilang na rito ang pagpapatayo ng sariling day care center.

    Tapos ng kursong Social Sciences si Maxene sa Ateneo de Manila. Ang pagkakaroon ng sariling school ang matagal nang pangarap ni Maxene. Hilig niyang magturo sa mga bata dahil para sa kanya, masarap kausap at kahalubilo ang mga ito.

    Parang soap opera ang buhay ni Maxene na tulad ng bagong afternoon soap ng GMA7, ang”Faithfully,” kung saan isa siya sa mga bida.

    Kasama niya rito sina  Michelle Madrigal, Isabelle Daza, Vaness del Moral at Isabel Oli. Kabituin din sina Mike Tan,  Marc Abaya, Victor Aliwalas, Kevin Santos at mga veteran actresses na sina Chanda Romero at Timmy Cruz. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here