Halatang nalaos na si Kris Bernal. Hindi kasi well received ang Hiram Na Puso na talagang lukewarm lang naging rating nito.
At siguto, to boost up Kris image, ayan pati simpleng birthday party niya at ipinag-imbita sa press. Kasi nga malamya nang career ni Kris na dati naming sikat na sikat sa GMA 7.
Sa ngayon kasi, marami na ang nakaungos sa kanila ni Aljur na gaya ni Kris ay lumamlam din ang career. One after the other ang mga naging flop sa buhay ni Aljur, and this could be the reason kung bakit bubuhayi ang tambalan ng dalawa.
Take note na noong magkatambal ang dalawa, biglang sumikad ang kanilang mga career. Form some measly amount sa mga out-of-town shows, lumobo sa six digits ang kanilang presyo.
Pero teka, nasaan na nga ba sila ngayon?
Sabi nga namin parehong malaos-laos na’ng dalawa and now heto nga at desperado ang GMA 7 na i-repackage ang kanilang career.
Take note, may slant na tototohanin na raw nina Aljur at Kris ang kanilang relasyon. Noon kasi, may kanya-kanya silang lovelife at ito marahil ang dahilan kung bakit mas madali silang pinagsaawan.
Ngayon, ayan na, may project na pagsasamahin silang dalawa.
Maaari kayang mabuhay ang pag-asang maging magkarelasyon sila ni Aljur, ngayong single na muli ang young actor?
“Nasa kanya naman po ‘yon, e, nasa kanya ‘yon!” natatawang sagot ni Kris.
Nabanggit na rin lang si Aljur, magkakaroon ng bagong show ang dalawa kasama si Rhian Ramos—ang Sana Dalawa Ang Puso Ko.
Huling nagkasama sina Kris at Aljur sa primetime soap opera na Machete (2011).
“Nae-excite din ako,” pag-amin ng Kapuso actress.
“Kasi alam ko na marami na rin naghahanap sa Twitter, marami na rin nagtatanong sa akin tungkol kay Aljur na mga fans namin, excited na rin ako.”
Kayo excited pa ba kayo?