A flop is a flop is a flop!
Ito na yung huling sinabi ng isang reporter nang pumagitna ito sa iringan ng dalawang pang reporter tungkol sa kinita ng Piolo Pascual at Angelica Pangniban’s flick na Every Breathe You Take.
Pinagtatalunan kasi kung kumita nga ito and according to one, flop daw ito kasi laos na ang mga lead stars nila.
Sabi naman ng isa, by Star Cinema’s standard daw, konti lang ang kinita nito, pero kung Regal movie lang daw ito, blockbuster na raw.
Hahaha, sumagot ang isang reporter bilang pambabara dun sa sinabi ng ikalawang reporter. Yun nga, a flop is a flop no matter what. “May standard standard pa kayo, isa lang ang ibig sabihin kahit na i-sugar quote n’yo pang kiyeme-kiyeme, failure sa box-office ang pelikula at ‘wag n’yo nang pagtalunan yan.”
Oo nga naman, pati Regal Films na nanahimik, idinadamay pa ninyo!
So there!
And to add insult to the injured box-office take, ang sama pa nga ng review mula sa mga kritiko. At the most, parang ginawa lang daw ang peliklula to bolster the image of Piolo Pascaul as a macho man.
Tila ibig sabihin ng writer sa isang review na talagang sinadyang pagmukhaing lalaki si Piolo sa gitna ng mga kontrobersyang bading daw ito.
Ayon pa sa isang reviewer, istupido rawa ng kabuuan ng pelikula.
With that observation, sino pa naman ang magkakinteres na panoorin ang pelikulang ito.
So kung ibanando nilang kumita raw ng singkuwenta milyones ang pelilkulang ito, outrightly ‘wag po tayong maniwala. Tiyak na padding po yun!