Herbert Bautista nakikiusap na ‘wag namang tumakbo sa pag-mayor sa QC si Vic Sotto

    374
    0
    SHARE

    Sa mga interviews sa kasalukuyang QC mayor na si Herbert Bautista, may halong biro pero nakikiusap na ‘wag naman sanang ituloy ni Vic Sotto yung pala-palagay na tatakbo rin itong mayor ng Quezon City.

    Sikat na sikat nga si Vic at talaga namang intimidating kung sakaling lumaban siya kay Bistek.

    Pero magkagayunman, di dapt urungan ng pananalig si Bistek, mahaba na’ng track record niya sa paglilingkod sa bayan at ‘yun ang kanyang alas. Kahit na kasi numero uno ngayon si Vic Sotto, ibang larangan pa rin ang pulitika.

    Si Bistek ang nakapuwesto, nasa kanya ang makinarya at puspusang kampanya lang, kaya na niyang ungusan ang kasikatan ni Vic Sotto.

    Pero gaya ni Bistek, we dare say, ‘wag naman sana, bigyan naman na mahabang termino si Bistek sa paglilingod niya para sa bayan.

    Pero alam nyo bang hindi naniniwala si mayor na tatakbo bilang alkalde si Vic sa susunod na eleksiyon.

    “I don’t think he’ll do that… Pero, bossing, huwag naman!” pahayag ni Herbert.

    Pero papasukin ba talaga ni  Vic Sotto ang pulitika?

    Ito tanong ng publiko ngayon dahil lumalakas ang balitang kakandidato ang Enteng Kabisote actor bilang mayor ng Quezon City o di kaya ay bilang senador.

    Sa pinakahuling panayam sa kapatid ni Vic na si Senator Tito Sotto, inamin nito na “maraming kumakausap” sa kanyang nakababatang kapatid.

    Gayunman, nilinaw niya na wala pa naman daw plano si Vic.

    “Sa ngayon, although paminsan-minsan ay napapag-usapan namin sa kuwentuhan ‘yan, wala siyang plano at wala kaming plano,” sabi ni Senator Tito sa inihandang press conference para sa ine-endorso niyang hair clinic na Svenson kamakailan.

     Dagdag pa niya, “‘Yang mga ganyang salita, lalo siyang naaano [umaayaw].

    “At the moment, he doesn’t see the need for it. I don’t think it’s that important at the moment as far as he’s concerned.

    “He’s doing public service right now, di ba?

    “‘Yong programa kasi namin, e, it is now a public-service program, masquerading as an entertainment show.
    “Di ba, gano’n na ang nangyayari ngayon, e.”

    Pagkatapos nito ay nagbiro pa si Senator Tito, “Unless uminit ang ulo niya, at the moment, wala pa.”

    Kung sakaling magdesisyon si Vic na pasukin ang pulitika, susuportahan ba niya ang kanyang kapatid?

    “Of course, and most probably he will join my party,” sagot ng senador.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here