Lalong gumuwapo si Sam Milby matapos ang kanyang tatlong buwang pananatili sa Amerika. In fact, Hollywood star na Hollywood star na ang aura niya ngayon.
Dumating si Sam sa ’Pinas last Wednesday kasama ang kanyang manager na si Erickson Raymundo.
They came from Hawaii dahil special guest ang singer/actor sa event ng BNP Catholic Community kasama sina Venus Raj at Edu Manzano bilang host.
Nakunan ng pahayag si Sam ng Bandila at ayon sa aktor ay masayang-masaya siya sa kanyang pagbabalik gayundin sa kanyang stay sa U.S.
Matatandaang umalis ang aktor early this year para subukan ang swerte sa Hollywood kung saan ay napakarami niyang auditions na dinaluhan.
“It was a great experience,” pahayag ni Sam sa Bandila. “All the auditions and the great feedback. I just feel different from when I left here. I just have more desire to work and I gained more confidence.”
Nilinaw din ng aktor ang misconception sa kanyang pagpunta sa U.S. para pumasok sa Hollywood.
“Kasi, wala akong balak dati na pumunta sa States to try it out there. It came to me. There was a network (ABC 5) that liked me and got me an agency there. So I’m thankful sa lahat ng nangyari,” he said.
Ayon pa kay Sam ay pawang major TV networks ang mga interesado sa kanya.
“It’s all for major networks, mga lalabas na shows sa CW, ABC, CBS, merong isa sa HBO. It went really well,” he said.
Kung naging maganda ang experience ni Sam sa U.S., maganda rin ang sumalubong sa kanya sa ’Pinas dahil nakatakda siyang gumawa ng tele-serye with Judy Ann Santos and Jessy Mendiola.
“First time ko to work with Judy Ann so malaking privilege talaga to work with someone with that high status in showbiz. Alam ko madami akong matututunan sa kanya. I’ve never worked with her before. I know her and Ryan Agoncillo so I’m excited,” sey pa ng heartthrob.
Bukod sa teleserye ay may gagawin ding movie si Sam sa Star Cinema at kasalukuyang pinag-iisipan kung sino ang magiging leading lady.
Matatandaang si Sam ang original choice para sa movie with Bea Alonzo na ibinigay kay Derek Ramsay pero nang lumipat ang aktor sa TV5 ay inalis din siya at pinalitan naman ni John Lloyd Cruz.
When asked kung ano ang masasabi ni Sam tungkol dito, aniya, “siyempre it’s a project I would love to do kasi ang ganda ng istorya. I know it’s a really good project so I’m happy for John Lloyd and Bea. I’m sure all of their fans are excited to see them again in big screen.”