Minsan pa, pumalpak na naman ang singe-singeran na sumikat sandali pero nalaos agad. Dami na niyang kapalpakan sa showbiz pero heto ngayon, bikini oipen naman ang pinagdidiskitahan niya.
Heto ang ginawa niya. Kinontak niya yung isang taong alam niyag magaling sa pag-handle ng bikini open management.
Pinagbibigyan niya ng down ang mga ito matapos asikasuhin ang mga detalye ayun bigla silang binasura. Di na raw sila kasali.
Meanwhile, tuloy ang pasakalye niya sa Facebook na kesyo ganyan at ganito.
Misteryo tuloy kung ano ba ang binabalak niyang raket.
“Tiyak meron, hindi puwedeng di siya gumawa ng kapalpakan,” sabi naman ng isang bading na maraming masamang experiences sa kanya.
The who?