Buntis napaanak sa show ni Jhake Vargas

    257
    0
    SHARE

    Kabuwanan na kaya o wala sa oras ang biglaang panganganak ng isang kagampan habang nakikipagsiksikan sa show ni Jhake Vargas sa Talavera, Nueva Ecija noong isang araw.

    Sa tricycle na ipinanganak ‘yung bata dahil di nga nakaabot sa ospital.

    Sa sobrang dami ng taong nagkagulo sa show ni Jhake, talaga namang ayun, napaanak ang babae.

    Puwera biro, sobra talagang pinagkaguluhan  si Jhake ng mga kabataang babae sa naturang kapistahan.

    Would you believe na kalahati pa lang ang unang kanta ni Jhake, natigil na’ng show dahil nag-rampage ang mga fans na nagsiakyatan sa stage.

    Walang nagawa ang mga organizers kundi itigil ang show at pinatitalilis na ang grupo ni Jhake para makiwas sa stampede.

    Habang nasa daan, papunta naman sa isa pang show ni Jhake sa Arayat, tumawag ‘yung mga organizers kay Kuya Germs na kung puwede pabalikin si Jhake. 

    “Hindi na kami babalik, kawawa naman yung mga tao, baka magkaroon ng disgrasya, kawawa ang mga madadamay. Kung gusto ninyo, pababalikin ko si Jhake sa ibang araw pero ayusin ninyo ang inyong security.

    Hindi puwede ‘yung basta pababayaan ninyong dambahin si Jhake, ayoko siyang masaktan,” sabi ni Kuya Germs.

    Mabuti na lang naintindihan  ng mga organizers ang sitwasyon kaya ayun, nagkasundo na lang na pabalikin si Jhake sa birthday nung tinatawag nilang admin.

    Yes, sa July 15 pa yun at sabi nga ni Kuya Germs, ok lang naman sa kanya na magbalik sila sa lugar.

    Mula sa Talavera, tumuloy naman si Jhake sa Camba, Arayat.  Ganun din ang kaguluhan nang malamang dumating na si Jhake Vargas.

    Pero kinausap namin ang pamunuan ng fiesta na ayusin ang security, patahimikin ang mga fans, pababain ang mga nag-aabang sa stage area bago umakyat si Jhake.

    Na sinunod naman nila kaya maluwalhating naidaos ang show nang araw na ‘yun.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here