Sharon Cuneta nagpakumbaba na kay Helen Gamboa

    348
    0
    SHARE

    Napakamaramdamin ng mga sinabi ni Helen Gamboa sa interview sa kanya ni Nay Cristy Fermin sa Paparazzi.

    Doon nakita kung paano ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan. Nalaman nating pagkasilang pala ni Sharon, minahal na siya ni Helen at kung pinagbigyan lang siya ni Mommy Elaine na ibigay na sa kanya si Sharon, hindi na raw sana siya nag-asawa.

    Tigib talaga ng luha si Helen habang nagsasalita, ayon sa kanya yun ay luha ng kaligayahan, wal raw pagsidlan ang tuwa, kasi nga nakalipas na yung dalawang taong nagdusa siya dahil hindi sila nag-usap ng kanyang pinakamamahal na pamangkin.

    All’s well that ends well ang drama ng sigalot nila. Kahit si Sharon, maramdamin din ang mga pahayag niya.

    Na kung tutuusin, makatutulong talaga sa rating ng show niya sa na “Sharon Kasama Mo, Kapatid,” sa TV5 na nagsisimula nang umere.

    “Hindi talaga puwedeng burahin ang pagmamahal namin sa isa’t isa.

    Nagpakumbaba ako dahil hindi talaga ko puwedeng magmalaki sa kanya.

    Birthday niya noong May 7 and I texted her and greeted her. I’m glad kung anuman ang nangyari sa amin is now over.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here