Grabe ang reaction ng mga tao sa muntik na pagkawala ni Jessica Sanchez sa American Idol, lahat ay nagulat na nasa bottom three siya kasama sina Joshua Ledet at Elise Testone.
Lalong hindi makapaniwala ang viewers ng AI na si Jessica ang may lowest vote sa tatlo at siya ang eliminated.
Saved by the judges si Jessica habang kinakanta ang dapat finale song niya, umapir sa stage si Jennifer Lopez, pinatigil siyang kumanta sabay sabing “Give me that mic! This is crazy! We’re using the save. You ain’t going home! Go sit down.”
Nanawagan naman ang dalawa pang judges na sina Randy Jackson at Steven Tyler to vote wisely sa next elimination night next week.
Sabi, ayaw daw ng American voters na minority ang manalo at nagkataong walang pure American sa bottom three.
May nagpalagay din ang kinantang Stuttering ni Jessica ang naglagay sa kanya sa bottom three dahil hindi familiar.
Dahil sa pagkaka-save kay Jessica, dalawa ang mabo-vote-out next week.
Pero bago ang announcement, may spoiler na inilabas ang TMZ, ang host na si Ryan Seacrest at producer ng AI na shocking ang result that night.
Samantala, mabilis namang nagpasalamat si Jessica sa mga supporter sa isang video na pinost niya sa Twtvid habang nasa loob pa ng AI studio.
Sabi nito: “So I just sang my save song and year, I got saved (laughs) and I’m so grateful…
“I just want to thank you guys for letting me make it this far. Thank you so much. Love you guys.”