Ara Mina nagpapansin

    279
    0
    SHARE

    Nagpapansin si Ara Mina.  Gaya ng dati, putak nang putak si Ara para palabasing kontrabida’ng kapatid na si Cristine. Ginagawa niya itong kontrabida para lang siya mapag-usapan.

    Kung natatandaan niya, ginamit niya’ng gimik na ito para pag-usapan si Cristine.

    Na dahil nga noon sikat si Ara, ayun, pilit niyang inilalagay sa kamalayan ng publiko ang nakababatang kapatid na kesyo suwail daw at pasaway.

    Ngayon nga, kailangan ng saklolo sa career ni Ara, inuulit ang gimik. This time, ayon kay Ara, walang utang na loob si Cristine, pasaway, na tumalikod sa kanyang  pamilya. Lumobo na raw ang ulo ng kanyang kapatid at pinalabas na basta na lang sila tinalikuran na walang dahilan.

    I am sure, may kaunting differences sina Cristine sa pamilya but not to the effect na ibinasura na sila ni Cristine ngayong sikat na siya.

    Mahirap namang paniwalaan yun at this point. Ang malinaw, mahal  ni Cristine ang pamilya and the real reason kung bakit ito nagpunyagi ay dahil nga sa pagmamahal sa ina at mga kapatid.

    Kaya sana, kung puwede lang, itikom na ni Ara ang bibig at wa epek na yung gimik niyang gustong makisakay sa kasikatan ni Cristine.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here