Sharon Cuneta binababoy sa Twitter

    426
    0
    SHARE

    Balik-Twitter si Sharon Cuneta matapos ang isang araw na pamamahinga sa pagtu-tweet.

    She last posted on March 19 at buong araw ng March 20 ay walang nabasa sa kanya.

    Finally, last Wednesday ng gabi, nag-tweet na siya.

    Halatang naapektuhan si Sharon ng kanyang  haters and bashers kaya isang araw muna siyang namahinga.

    Ito ang first tweet niya last Wednesday: “I am just still so shocked. I’ve never been subjected to such hatred and the most vile and baboy words.

    “I wasn’t raised to deal with such people. Please pray for me. Para akong binugbog. I love you. Please give my love to everyone, my tweeties and tell them I miss them all. I’m signing out again. Good night. God bless you. Thank you for loving me.”

    Ang isa pa niyang tweet: “I am going to go on resting first tweeties. But after one day I remembered that haters have always been, and always will be insignificant.

    “After all, they’ve been around for over 34 years of my career. Pahinga lang ako para maalala ko pa ang mga baka nakalimutan ko na during my journey to stardom.

    “Remember I love you and always will. I am reminded of God’s love everyday because of people like you who love me and fight for me. Remember — haters NEVER win. Signing out now. Goodnight and sleep tight in God’s embrace. God loves us.”

    Sa mga nakakasubaybay ng tweets ni Sharon, maiintindihan ang pinanggagalingan ng aktres

    dahil nitong mga nakaraang araw, masyado nang personal ang mga bira sa kanya sa Twitter.

    Inulan ng batikos si Sharon pati na ang kanyang anak na si KC Concepcion tungkol sa breakup ng huli with Piolo Pascual.

    Pinakagrabeng akusasyon na natanggap niya at talagang ipinag-react niya nang husto ay nang akusahan silang mag-ina na “abortionists.”

    Dito na talaga sumabog si Mega at sunud-sunod din ang kanyang mga sagot.

    “Akusahan kayo ng anak mong abortionista tapos huwag ko patulan? Ano hahayaan ko pang ikalat nila? Sobra mga ’yan. Mga bastos at walang modo.

    Dudumi ng bibig at pagkatao. Gawain siguro nila,” isa sa mga tweet ni Sharon noong March 19 na halata mong iritado.

    Isa sa followers ni Mega ay nagdududang baka fans ni Piolo ang bashers na ito at inayunan naman ito ni Shawie.

    “Kundi kapamilya die-hard, maka-Piolo lang. Wala namang galit sa amin na ibang tao,” reply ni Shawie sa nag-tweet.

    Samantala, sa mga nakalipas na oras ay puro Bible verses ang itini-tweet ni Sharon marahil ay bilang sagot sa kanyang haters and bashers.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here