Nikki Gil gusto nang maging asawa ni Billy Crawford

    270
    0
    SHARE

    Billy Crawford reveals his intention to marry four-year girlfriend Nikki Gil. Kung siya lang daw ang masusunod, gusto na niyang maging asawa na niya si Nikki Gil.

    “Oo naman. Who wouldn’t want Nikki to be his wife?” sabi niya sa kanyang latest interview. 

    Pero siyempre, alam niyang bata pa si Nikki at marami pang gustong gawin sa buhay kaya hindi nila muna pinag-uusapan ang kasal.

    “Ako, masasabi ko, I can, kaya ko mag-settle down. Kaya lang, kailangang ibigay ko rin naman kay Nikki ’yung time.

    Twenty-four pa lang siya, napakarami pa niyang pangarap na dapat abutin bago siya mag-settle down,” he said.

    Pero willing siyang hintayin ang girlfriend until dumating ang time na ready na ito.

    “Of course I couldn’t be happier (kung matutuloy sila sa kasalan). I’m waiting patiently, ’yun lang,” sey pa ni Billy.

    Four years na ang relasyon nila ng singer/actress kaya natanong si Billy kung was there never a time na nag-break sila or nag-cool-off.

    “Well, lahat naman ng relationship, sabihin mo nang hindi perpekto. Of course, may pinagdadaanan paminsan-minsan, misunderstanding. Pero if you want a relationship to work, you’re gonna make it work.”

    Paano magwo-work kung aalis siya?

    “Babalik din naman ako, eh, two to three months lang ako du’n (sa France), well, depende, puwedeng mag-extend at puwede ring maging less.”

    Papuntang France si Billy sa April 30 para i-revive ang kanyang career doon na pansamantala niyang iniwan nang magdesisyon siyang pumunta ng Pilipinas few years ago.

    Kung magiging maganda raw ang pangyayari, gagawin niya pa ring home base ang Pilipinas at pabalik-balik na lang daw siya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here